Isang bagay ang Nais kong ipabatid sa aking mga kaibigan:
Ako po ay lumaki sa hirap. Madalas po akong tuksuhin at pagtawanan sa eskwelahan noong ako ay bata pa lamang. Tampulan ako ng tukso at madalas tawaging pulubi at hampas-lupa. Ako po ay nagdaan sa mga pagsubok at bilang isang kabataan, nalulong sa inom, droga, barkada at lakwatsa,nasali sa mga grupong masamang inpluwensya. Samang pita ng laman, palamura at walang pagmamahal sa kapwa. Lumaki sa pamilyang di ko naunawaan ngunit tahanan ng pagmamahal. Nagdaan ako sa hirap at luha. At tanging ang DIOS ang umagapay sa akin.
Habang iniisip ko ang aming pinagdaanan. Maraming tao sa aking paligid ang walang ipinagbago sa buhay.
Wala akong dapat ipagmalaki kundi ang pagmamahal ng DIOS sa akin at ang buhay na aking natanggap sa pamamagitan ni Jesus...
Kaya naman habang ang iba ay abala sa pagdalo sa mga ibat ibang okasyon. ako ay abala sa mga bagay na dapat kong gawin para sa Dios. Dahil ang mga kagamitan sa aking paligid ay di ko na hinahangad. Kundi ang buhay na walang hanggan ang aking nais makamtan. Hindi lahat ay magiging katulad ko. Ngunit kayo ay inaanyayahan kong humiwalay sa mga taong puno ng kasamaan, talikdan ang mga tawag ng laman, iwanan ang nakaraan at saliksikin ang inyong mga sarili kung kayo nga ba ay nasa kay Jesus. Ang inyong mga prioridad ba ay makalangit o makamundo lamang?
Wag ninyong ipagmalaki ang lawak ng inyong lupa, tahanan, mamahaling kagamitan na pagdating ng araw ay mabubulok.
Ang inyong mga puso ay dapat mapuno ng kabutihan na nagmumula sa Dios. ilayo ninyo ang inyong mga sarili sa tradisyon ng inyong mga ninuno na puno ng makarelihiyosong paniniwala at pakitang gawa. Ang inyong mga mabubuting gawa ay isang basahan sa Panginoon, kung nais ninyo ang tunay na kaligtasan..kayo ay magsisi sa inyong mga kasalanan. Hugasan ang inyong katawan sa pamamagitan ng bautismo sa pangalan ni Jesus at kayo ay maliligtas.
Ako ay hindi naiiba sa inyo. Mula ng ako ay mahugasan sa tunay na bautismo. Ang Spirito ng Dios ang siyang naninirahan sa aking katawan. Ako ay hindi na alila ng kasalanan bagamat ako ngayun ay isang malaya. Malaya sa buhay na mayroon kay Jesus.
Hindi kailangan ng DIOS na ako ay magpakahirap na gumawa ng mabuti. Kundi dahil sa aking pagsunod sa kanya. Ang mga bagay na mahirap kong iwasan at tigilan ay dagliang nagsilayas sa aking katawan dahil sa kabutihan ng Liwanag ng Dios. Ako ay nalinisan at walang pagdaramdam at takot ng paghatol sapagkat alam kong ako napatawad ng DIOS at nabibilang sa kanya. Kaya naman ang buhay na aking nilalakaran ay hindi na sa akin, kundi isang bagay ma aking ginagawa para sa aking Panginoong Jesus. Sana ikaw din..
Hindi lahat ay magiging katulad ko. Ngunit kayo ay inaanyayahan kong humiwalay sa mga taong puno ng kasamaan, talikdan ang mga tawag ng laman, iwanan ang nakaraan at saliksikin ang inyong mga sarili kung kayo nga ba ay nasa kay Jesus. Ang inyong mga prioridad ba ay makalangit o makamundo...?
No comments:
Post a Comment